top of page

Paalala para sa aming mga panauhin at mga sagot sa karaniwang mga tanong:

*Salin at hango mula sa sulat nina John & Benz Rana. Kung nais basahin sa wikang Ingles, pumindot dito.

01

Magsisimula ang kasal sa ganap na ika-tatlo ng hapon.

Ipinakikiusap namin sa aming mga panauhin na dumating sa simbahan ng hindi bababa sa labinlimang minuto bago ang pagdiriwang. Ito ay para magkaroon kayo ng pagkakataon na maging komportable bago magsimula ang sakramento.

02

Maaari bang huwag na dumalo sa seremonya at dumeretso na lamang sa reception?

Mahalaga para sa amin na masaksihan ninyo ang aming pag-iisang dibdib. Ikagagalak namin ipagdiwang ito kasama ninyo.

03

Maaari ba kami kumuha ng larawan sa loob ng simbahan at ng reception?

Hindi namin ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa loob ng simbahan at ng reception. Paalala lamang na mayroon tayong opisyal na tagakuha ng larawan at video. Bigyan po natin sila ng daan upang makakuha sila ng maayos na larawan.

 

Ipinakikiusap rin namin na gumamit kayo ng hashtag na #kOZal1314 upang madali rin naming makita ang inyong mga larawan. :)

04

Ano ang unang gagawin ko pagdating sa simbahan o sa reception?

Ikagagalak namin kung ilalaan ninyo ang mga panahong ito para magdiwang. Pakilagay sa silent/vibrate mode ang inyong mga cellphones.

05

Nakatanggap ako ng paanyaya (invitation). Hanggang kailan maaaring mag-RSVP?

Mangyari lamang pong mag-RSVP hanggang sa ika-27 ng Disyembre 2013. Maaari ninyo ito gawin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa aming coordinator o sa pamamagitan ng RSVP dito sa wedsite. Salamat! :)

06

Hindi ako makakarating. Ano ang gagawin ko?

Maaaring ipagbigay alam sa madaling panahon kung hindi makakarating lalo na kung tapos na mag-RSVP. Salamat! :)

07

Ako lamang ang nakalagay sa paanyaya. Maaari bang magsama ng kaibigan o ka-ibigan o mga anak?

Amin pong ipinakikiusap na sundin ang bilang ng upuan na aming inilagay sa paanyaya. 

© 2013 by Zsaolin. All rights reserved.    

Molino, Cavite, Pilipinas

  • Pinterest Classic
  • Instagram Classic
bottom of page