top of page

Natagpuan namin si Ms. Mary Ann Martinez sa "We're Engaged Bridal Fair". Sa dinami dami kasi ng mga HMUA sa fair, nakuha nila ang aming interes sa mga packages nila (kasama na ang photobooth, aras, gayak at iba pang serbisyo para sa pre-nup shoot at entourage sa araw ng kasal, at higit sa lahat, SINGSING).

 

Kaya naman nagpasubok kami ng makeup. Magaan ang kamay niya at alam niya kung anong bagay sa kutis ni bride. Bilang swak siya sa aming mga gusto at pitaka, kinuha namin siya.

 

Para sa kanyang "sample", tignan ang larawan sa kanan.  -->

 

Mabilis ang aming naging transakyon. Nagkaroon nga lang kami ng kaunting aberya pagdating sa kontrata. Kinailangan pa kasing 

*larawan mula sa iflip noong bridal fair

ipanotaryo iyon bago pa maipadala sa amin. Siguro ilang araw rin namin silang kinulit. Ito lang siguro ang hindi namin nagustuhan. Maaari naman sabihin sa amin ng mas maaga kung hindi maibibigay sa araw na iyon. Inintindi na rin lang namin dahil marami siguro talaga silang mga kliyente.

*larawan mula sa Bliss and Berries

PRE-NUPTIAL SHOOT

 

Bilang kasama ito sa package, sumabak kami sa isang ensayo tulad nito. Ang sabi-sabi, ito ay para makita mo kung paano makipag-ugnayan sa iyong HMUA at sa nakuha mong photographers.

 

Maaga kami dumating sa studio ni Ms. Mary Ann sa Fairview. Sila ang nagbigay ng lokasyon ng mga lugar na aming ginamit para sa pagkuha ng larawan (isang bahay na European style at sa Wildlife park). Pinagamit rin nila ang kanilang Innova para sa aming paglipat-lipat ng lugar. Tunay naman na inalagaan kami ni Ate Mary Ann. Pati pa tanghalian, sila ang nag-asikaso sa pagbili habang nagaganap ang photoshoot.

 

<--- ang aming gayak noong araw na iyon 

 

Para sa pre-nuptial shoot, limang ngiti dahil sobrang natuwa kami. :)

PHOTOBOOTH at ARAS

 

Sa totoo lang, handa kaming walang photobooth sa kasal dahil dagdag siya sa gastusin. Pero dahil kasama siya sa package, natuwa naman kami. Kasama rin sa package ang aras. Wala naman kaming masasabi dahil hindi naman kami partikular sa disenyo ng lalagyan sapagkat kami ay maglalagay ng sarili naming barya.

 

Isang linggo bago ang kasal, hiningi namin ang layout para sa photobooth. Nagbigay kami ng tatlong larawan na pwede nilang gamitin para sa disenyo. Subalit datapwat...naistress kami ng kaunti. Hindi namin nagustuhan dahil inistretch lang yung isang larawan at yun na.

 

Dahil doon, isang kaibigan ang aming nakausap para magdisenyo ng aming photobooth template.

 

Sa mismong araw ng kasal, mga larawan na lang ang ipapatong sa template. Dahil bahagyang OC si bride, napansin niyang hindi pantay ang pagkakalagay sa mga larawan. Bahagya ring nakatagilid ang background tarp. :( Hindi na namin nabigyan ng oras ang disenyo ng tarp. Sayang sana puro puti na lang. Gayunpaman, marami pa rin ang nagpakuha sa aming photobooth.

 

Isa ring hindi magandang nangyari ay hindi sila nakapagdala ng aras noong mismong araw ng kasal. :( Mabuti na lang at may SM na malapit kaya nakabili agad.

 

At dahil karagdagan lamang ang mga ito, tatlo at kalahati ang aming hatol para sa photobooth at aras.

SINGSING

 

Singsing talaga ang naging dahilan kung bakit kami naakit ni Ms. Mary Ann (bukod pa sa gayak mismo).

 

Inspirasyon namin ang singsing sa itaas para sa aming simbolo ng pag-ibig. Pero imbis na diyamante ay textured rose gold na lamang.

 

Magaling gumawa ng singsing ang asawa ni Ate Meann na si Kuya Albert (nagbukas na siya ng sarili niyang tindahan). Natapos na niya agad ito at may kalidad ang kanyang gawa. Mas malaki lang ng kaunti ang sakop ng rose gold pero naaayon pa rin ito sa aming kagustuhan. :) (Wala kaming larawan na close up kaya iyong kuha na lang sa gumamela.)

 

Para sa mga singsing, limang ngiti.

*larawan mula kay Ms. Mary Ann Martinez

*larawan mula sa Bliss and Berries

*larawan mula sa internet

Paghahanda

Paghahanda

Handa na para sa Photoshoot

Handa na para sa Photoshoot

Mga Piling Binibini

Mga Piling Binibini

Tagapagsaboy ng Bulaklak

Tagapagsaboy ng Bulaklak

Mama at Anak

Mama at Anak

Si Babae

Si Babae

Mga Magulang at Anak

Mga Magulang at Anak

Si Lalaki

Si Lalaki

Ninang

Ninang

Kasal Na

Kasal Na

Pagkatapos ng Reception

Pagkatapos ng Reception

*larawan mula sa Bliss and Berries

SA ARAW NG KASAL

 

Bukod pa sa gayak namin ni Oli, kasama sa paggayak ang aming mapipiling sampu at ang mga tagapagsaboy ng bulaklak.

 

Wala naman kaming masasabi sa paggayak ni Ms. Mary Ann kay bride (pakiwara nga ni groom magaling talaga siya sa mga morena tulad ni Shamcey Supsup at Lovi Poe). At dahil morena si bride.... :) Isang malaking puntos rin na kayang-kaya niyang lagyan ng makeup ang mga mata ni bride na hindi ito napapaluha. Madalas kasi dito nagkakaaberya sa paggayak sa kanya. Malaking puntos rin na nasa oras ang kanilang pagdating. Alas otso ang aming napag-usapan at dumating naman sila. Hindi naman nagka-allergy si bride sa kanyang mga makeup brands at sa airbrush na kanyang ginamit. Pinahiram pa niya kami ng headdress para sa buhok ni bride.

 

Ang mga kanang kamay naman niya ang tumulong sa paggayak sa aming mga napiling sampu (mga kapamilya at mga nakausap naming Ninang at iba pang mga natatangi). Maayos naman at magaganda ang kanilang gayak. Iyon nga lang, kapag sobrang puti ng aayusan ay medyo hindi pa nila gamay. Medyo imbis na natural ang itsura ay nangitim pa. Inayos na lamang ng kapatid ni bride ang kanyang gayak at nagpatulong na lamang sa kanyang buhok.

 

Anak naman niyang batang babae ang nag-ayos sa aming mga tagapagsaboy ng bulaklak. Nakakatuwa dahil bata pa lang ay marunong na siya mag-ayos sa kapwa bata niya. Kapag ayaw ng magulang ng makapal na makeup, nasusunod naman niya.

 

Pagdating sa seremoniya sa simbahan, kahit pa medyo pinawisan kami, hindi nawala o nanlimahid ang aming mga hitsura. Kahit pa sa photoshoot na ginanap pagkatapos nito. Ang kapangyarihan ng airbrush!

 

Ang susunod na ayos ni bride ay bago ang programa. Dahil medyo natagalan kami sa pagkuha ng mga larawan, medyo ginahol kami ng oras. Pero ayos lang dahil mabilis naman si Ms. Meann sa pag-aayos.

 

Sa pag-aayos namin noong araw ng kasal, limang ngiti!

 

SA KABUUAN...

Apat at kalahating ngiti ang ibibigay namin para kay Ms. Mary Ann, Kuya Albert at ang kanilang mga kanang kamay. 

© 2013 by Zsaolin. All rights reserved.    

Molino, Cavite, Pilipinas

  • Pinterest Classic
  • Instagram Classic
bottom of page