top of page
Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014



Bilang supplier sila sa bandang Cavite, napagpasyahan namin kunin ang Don Robert's Bridal Car para maging aming "karwahe". Bukod pa dito, madali silang kausap tungkol sa mga nais o ayaw namin.
Maganda at makaluma ang aming napili dahil palagay namin, ito ay bagay sa aming temang OPM.
Noong araw ng kasal, sakto sila sa oras dumating. At kahit pa makaluma, malamig ang loob nito kaya hindi si bride pinagpawisan papunta sa simbahan kahit pa kinakabahan siya.
Bukod pa sa kalagayan ng kotse, nakakatuwa... nakakatawa si Kuyang tagamaneho. Hindi na namin maalala ang kanyang pangalan. Pero naging mabait at kasiya-siya ang aming maigsing biyahe kasama niya. Hindi rin niya inalintana kahit pa matagal ang naging "pictorial" namin sa


simbahan.
Isa lamang ang hindi namin nagustuhan siguro. Iyon ay ang nakabalandrang URL ng kanilang tindahan sa likod ng sasakyan. Sana pala ipanatanggal namin ito kahit saglit lang para mas naging kaaya-aya ang aming mga larawan dito.
Pagdating naman sa bulaklak ng sasakyan, hindi naman namin ito inasahan na maging magarbo. Sa katunayan, kinausap namin ang JAM o si Mang Ronnie para dito kaso hindi na namin maalala kung sino kaya hindi na ito makakaapekto para sa sinumang katuwang namin noong araw na iyon.
Sa kabuuan, binibigyan namin ng 4.5 na ngiti ang Don Robert's. :)
*ang mga larawan ay mula sa Bliss and Berries





bottom of page