Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014




Nakilala namin ang urbanista mula sa isang bridal fair. Napukaw ang aming interes ng mga "boarding pass tickets" at naisip namin gawing mala-"concert tickets".
Madali namin silang nakausap para sa aming mga imbitasyon at wala naman naging problema.
Ipinasa namin ang lahat ng mga kailangan para sa disenyo ayon sa itinakdang deadline at nagbigay sila ng petsa kung kailan sila makakapagbigay ng layout.
Nang dumating ang araw na iyon, wala kami nakuhang layout dahil nagsabi kami na pupuntahan namin sila sa opisina. Pagdating namin sa opisina, may ipinakita naman sila sa amin. Kaso para bang ginawa lang ng mabilisan nung umagang iyon. Mabuti na lang, medyo hawig niya yung gusto namin. Dun at dun rin, ipinaayos namin ang mga dapat baguhin.
Nang mga sumunod na araw, marami pa rin kaming mga pagbabago na pinagawa (minsan kasi hindi nila makuha yung gusto namin kaya madalas ginagawa pa namin sa "Paint"). Dahil dito nahuli ang aming mga paanyaya. :( Pero natuwa naman kami sa resulta.
Pagdating naman sa "shipping", sakto lang sa ipinangako ang pagdating sa bahay at may paunang regalo pa sila para sa kasal.
Payo para sa mga ikakasal:
Kumuha ng tagagawa ng mga paanyaya mga anim na buwan bago ang kasal para magkaroon ng panahon sa mga pagbabago (mga isang buwan) at oras para ipamigay ito.
Sa kabuuan, binibigyan namin ng apat na ngiti ang urbanista.




