top of page
Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014





*larawan mula sa Bliss and Berries
Nadiskubre namin ang unit16sweets mula sa mga w@wies. Bilang mahilig kami sa tsokolate, naisip namin na maganda itong ipamigay para sa mga pamauhin.
Dalawang disenyo ang aming napagpasyahan. Malaking tsokolate para sa mga natatanging panauhin (entourage) na mistulang DVD cover at maliliit para sa mga panauhin na disenyong casette tape. Naayon ang dalawa sa aming temang OPM music.
Madaling katrabaho si Sir Allan. Sa katunayan, binigyan lang namin siya ng ilang larawan at ilang konsepto tapos nakapagbigay siya ng magandang disenyo.
Wala rin namang naging balakid sa aming pagkikita at pakikipagtransaksyon kaya naman binibigyan namin siya ng higit pa sa perpektong iskor. :)





bottom of page