Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014



Sto. Nino de Molino Parish
Ito ang aming nadatnan sa mismong araw ng kasal (mga larawan mula kay Kel Morales). Tulad ng inaasahan, maganda talaga ang simbahang aming napili :) :) :) :) :)


Kung mayroon man akong hindi nagustuhan sa simbahan, yun ay hindi ka maaari kumuha ng gusto mong magbasa ng Liturhiya. At kahit pa may sarili kang tagapangasiwa (wedding coordinators), hindi nila kinikilala bilang may sarili ang simbahan.
Isa sa mga bagay na masasabi mong "Buti na lang!" ay kumuha kami ng kaibigang pari dahil paminsan raw ay walang "homily".
Payo para sa mga nais ikasal rito:
1. Siguraduhin na may nakalaang pamaypay ang mga bisita para hindi sila mainitan kahit pa sa mga malalamig na panahon (kinasal kami ng Enero).
2. Kumuha ng sariling pari.
3. Walang bonggang "entrance" dahil hindi naman sinara ang pintuan bago pumasok ang bride (mabuti na lang walang kaso iyon sa akin).
4. Wala masyadong restrictions pagdating sa bridal march. Kaya ok lang kahit love song. :)
5. Kakailanganin rin kumuha ng mga amplifier para sa musika dahil hindi ito kasama sa simbahan.
Bigay namin sa simbahang ito ay tatlong ngiti lamang dahil sa "stress" na naidulot ng mga wedding coordinators ng simbahan noong araw ng aming kasal.




