Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014








*larawan mula sa Bliss and Berries
Natagpuan namin ang Moda Couture ni Kuya Mel malapit sa Dasmariñas bayan. Napagpasyahan naming kunin siya dahil kuha niya ang aming mga nais at mukha siyang magaling (marami kaming nakitang samples ng mga gawa niya).
Dahil sa pink ombre ang aming motif, tinulungan niya kami gumawa ng color palette. Kami rin ang nagbigay ng mga istilo na gusto namin. Nasa itaas ang resulta. :) Sa tingin niyo ba nakamit namin ang ombre?
Maganda ang mga tahi ni Kuya Mel (paborito ni bride yung damit ng natatanging binibini). Mayroon lang mga pangyayari na hindi naiwasan kaya kinabahan kami ng todo. Isang linggo na lang bago ang kasal ay hindi pa yari ang mga damit! May mga panahon pang hindi namin siya makausap dahil hindi siya sumasagot. Mabuti na lang at pinapunta niya kami ng personal para makapagpaliwanag ng maayos at katanggap-tanggap naman ang dahilan niya (di ko na ilalahad pa dahil medyo sensitibo).
Sa kabuuan, binibigyan namin si Kuya Mel ng 4 na ngiti bilang kami ay medyo naistress ng kaunti.




