Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014



Mang Ronnie



*mga larawan mula sa Bliss and Berries
Si Mang Ronnie ay isang kakilala. Sinamahan kami ni Ate Dal ng Imagik Events para makita ang kanyang mga gawa. Nang makita namin ang kaniyang gawa, kahit pa mas mahal ito sa alok ng iba, kinuha na rin namin siya.
Wala naman kaming partikular na bulaklak na nais para sa aming mga natatangi. Kahit pa puro puti ang ilagay na ok lang sa amin basta ba't kulay rosas na tulips at may million starts sa paligid ang ilalagay para sa palumpon ni bride.
Marami ang nagsabing maganda ang palumpon ni bride (yehey!) at natuwa naman kami sa ga bulaklak ng aming mga natatangi.
Kahit pa man may pinagdaanan siyang mabigat isang linggo bago ang kasal, naibigay pa rin niya ang gusto namin.
Dahil dito, limang ngiti para kay Mang Ronnie.




