top of page
Oli + Zsa
Ika-3 ng Enero 2014




Ang JAM Flower Shop ang madalas umayos sa simbahan ng Sto. Nino de Molino tuwing may okasyon. Kaya naman sila na rin ang aming kinuha para sa aming kasal. Magaganda naman ang mga larawan sa kanilang pahina sa facebook at bukod pa dito, mabait sina Ate Kim kaya nakagaanan namin sila ng loob.
Pagdating ng araw ng kasal, ito ang aming nadatnan. Tunay namang napaganda nila ang ayos ng simbahan. May

*larawan mula kay Kel Morales
kasama pang swags at mga petal ng bulaklak na nakasaboy sa gilid ng pasilyo. (Wala pa ang mga petal sa gilid nang kinuha ang larawan sa kaliwa.)
Bukod pa dito, sa kanila rin kami nakahiram ng amplifiers para sa RnS na siyang kumanta sa kabuuan ng seremonyas.
Abot kaya ang kanilang presyo kaya naman binibigyan namin ng limang ngiti sina Ate Kim.





bottom of page