top of page

Patio Verde

 

Ito ang lugar sa Paradiso Terrestre na pinagdausan ng aming "reception". Dito na rin kami naggayak bago ang mismong seremoniya ng kasal at natulog sa unang gabi namin bilang magkabiyak.

 

Bilang "reception venue", malinis at maaliwalas ang paligid. Wala kang makikitang lamok dahil maayos ang pagpapanatili nila ng lugar. Isa sa mga siniguro namin ay mayroon ring palikuran na magagamit ang aming mga panauhin na malapit lamang at malinis. Hindi naman kami binigo ng Paradiso dito. Naging mapayapa at matahimik rin ang aming paglagi at wala kaming naging problema.

 

Sa disenyo ng lugar, maayos naming nakausap si Bb. Raquel at lahat ng aming mga pakiusap ay nasunod naman. Bukod dito, pakiramdam namin ay may nakuha pa kaming mga bonus items tulad ng waiters' parade.

 

Medyo nakulangan lang kami sa ilaw nung kinagabihan at sobrang maliwanag naman noong hapon (may mga aninong hindi kanais-nais sa mga larawan).

 

Bukod dito wala na kaming reklamo pa kaya 4.5 na ngiti ang aming marka para dito.

 

Pagkain

 

Simula pa lamang noong "food tasting", nasarapan na kami sa mga pagkain lalo na sa "potato salad" at sa "pork belly". Kaya naman hindi na kami kumuha ng ibang "caterer" at nagbigay na lamang ng mga tagubilin upang mapasarap lalo ang mga pagkain. Nasunod naman ang mga ito noong araw ng kasal maliban sa fish fillet na sabi ng ilan ay medyo matigas.

 

Ganun pa man, marami pa rin akong narinig na feedback na masarap ang pagkain. Iyon naman ang mahalaga.

 

Kaya naman, 4.5 din ang aming ibibigay para dito.

 

Keyk

 

Kasama ang keyk sa "package" na aming nakuha. Kaya namin nagpasa kami ng disenyo na aming nais. Dahil pink ombre musical notes lamang ang disenyong nais namin, madali itong nagawa ng baker. :) Masarap rin ang mismong keyk (wag na natin isama ang icing). Strawberry ang flavor na ikinatuwa naman namin. 

 

Yun nga lang, hindi na maaring icustomize ang cake topper kaya naghanap pa kami sa labas. Dahil dito, 4.5 na ngiti lamang ang mailalaan namin para sa keyk.

 

Ilaw at Tunog

 

Kasama rin ang ilaw (spotlight) at ang sound system sa package. Binigyan rin nila kami ng bubble machine na hindi naman namin talaga napag-usapan. Bonus! Wala naman kaming naging problema pagdating dito kaya limang ngit ang aming ibinibigay para dito.

 

 

Sa kabuuan, nagustuhan namin ang Paradiso Terrestre. Wala kaming naranasang hassle at totoo namang nasiyahan kami.

Dahil dito 4.5 ang aming hatol. :)

 

*Ang mga larawan sa itaas ay mula sa bliss and berries.

© 2013 by Zsaolin. All rights reserved.    

Molino, Cavite, Pilipinas

  • Pinterest Classic
  • Instagram Classic
bottom of page