top of page

*mga larawan at video mula sa Bliss and Berries

Kinuha namin ang Bliss and Berries dahil sa tingin namin, napakasariwa ng kanilang mga kuhang larawan (mula sa kanilang website at facebook).

 

Ito naman ang aming naging mga karanasan at kwento:

 

Prenuptial Photoshoot

 

Anuman ang dahilan ng isang prenuptial photoshoot, akala namin hindi kami matutuwa at maiilang kami sa ensayong ito. Mabuti na lamang ay masaya naman kasama ang grupo.

 

Makikita ang ilang larawan sa kaliwang bahagi.

 

Dahil natuwa kami pareho sa kinalabasan at noong mismong photoshoot, 5 ngiti ang aming pataw.

 

Same Day Edit Video

 

Sa totoo lang, medyo nahirapan si Kuya Mok sa aming tugtog. Wala kasi siyang climax di tulad ng ibang mga musikang gamit ng iba. Pero magaling siya at nagawan niya pa rin kami ng magandang video (o siguro biased lang din kami). Ayaw kasi namin ng medyo may pattern o template na video dahil mawawala ang pagiging kakaiba nito.

 

Maaring mapanood ang aming SDE sa kaliwang bahagi.

 

Dahil natuwa kami sa kinalabasan, pinakamaraming ngiti para dito.

 

Mga Larawan noong Araw ng Kasal (Wedding Album)

 

Noong araw ng kasal, sila ang pinakamaagang dumating para simulan ang paggayak. Lahat ng mga pangyayari ay kanilang kinuhanan (photos at video).

Isa siguro sa hindi ko lang nagustuhan ay may narinig akong side comment mula sa isang miyembro na tila daw debut ang aming disenyo at hindi kasal (e apektado ako hahahaha kaya medyo nainis). 

 

Ang Bliss and Berries ay sa aming pananaw ay "the experimental side of Blacktieproject", kaya kakaibang mga larawan ang aming nakita. Sa kaledad ng mga kuha, may iba na tunay na maganda at may iba na '...ok lang'. Mabuti na lang at magaling ang kanilang editor ng mga larawan. Nakabawi sa layout. :)

 

Saka na namin bibigyan ng hatol ang wedding album kapag ito ay nakuha na namin. Matagal-tagal rin dahil sa matagal rin kami nakapili ng mga larawan.

 

Full Video ng Kasal

 

Ginagawa pa...

 

 

 

Payo para sa mga ikakasal:

Gumawa ng listahan ng gusto ninyong mga larawan. Para hindi niyo na hahanapin kapag wala. :)

 

Wala pa kaming kabuuang hatol bilang may hinihintay pang album at video.

 

*ang mga larawan at video ay mula sa bliss and berries.

© 2013 by Zsaolin. All rights reserved.    

Molino, Cavite, Pilipinas

  • Pinterest Classic
  • Instagram Classic
bottom of page